Kasuotan at kagamitan ng mga bumbero sa Camarines Norte tampok sa isang Mini – Exhibit sa Jose Panganiban Fire Station

CAMARINES NORTE – Tampok sa isang mini-exhibit sa Jose Panganiban Fire Station ang mga kasuotan at kagamitan ng mga bumbero sa Camarines Norte.

Isinagawa ang mini-exhibit bilang bahagi ng ika–32 anibersaryo ng Bureau of Fire Protections sa buong Pilipinas.

kung saan isinagawa ng Jose Panganiban Fire Station sa pangununa ni Fire Inspector Noel Jamito ang isang mini exhibit upang ipinakita sa mga kabataan ang iba’t-ibang uri ng mga kasuotan at mga kagamitan sa pag-apula ng sunog at pagresponde sa mga sakuna.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Layon umano ng Bureau of Fire Protections – Jose Panganiban na maging pamilyar ang mga bata sa importansya ng mga bagay na ginagamit ng mga bumbero sa loob at labas ng fire station.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ito ay isang paraan rin umano upang maengganyo ang susunod na henerasyon na pumasok sa hanay ng mga pamatay sunog.