Lumagda sa isang Memorandum of Understanding ang Philippine Coast Guard at Indian Coast Guard upang mapalakas pa ang maritime cooperation ng dalawang bansa.

Nilagdaan ang kasunduan sa pagitan ni Chief of the Naval Staff, Admiral Hari Kumar kasabay ng pagbisita ni CG Commandant Admiral Artemio Abu sa India.
Nabigyan din ng pagkakataon si Abu na malibot ang ilang maritime facilities sa India.
Ayon kay Abu, ang collaboration ng dalawang bansa ay sumasalamin lamang sa kanilang pangako ng mas ligtas at mas maunlad na maritime environment sa rehiyon.