Patuloy pa ring pinaghahanap ng Department of Justice, National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BI) ang nakatakas na Chinese national na sangkot sa cyberscam sa SA Rivendell Global Gaming Corporation sa Pasay City noong August 1.
Tiniyak ng DOJ, na patuloy lang sila sa pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon tungkol dito upang matukoy kung may naging kapabayaan ba sa nasabing operasyon at malaman kung sino ang dapat na managot.

Ayon pa sa nasabing ahensya, maaring nakatakas ang nasabing suspek dahil na rin mas kabisado o alam ng mga ito ang pasikot-sikot ng gusali.
Samantala, sa ilalim ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), pinakawalan na ang mahigit 365 na mangangawang nahuli mula rito dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensya.