Risk Assessment sa mga kahoy gagawin matapos ang pagkabuwal ng Acacia sa Pasacao, Camarines Sur

CAMARINES SUR- I-aassess ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)-Pasacao ang mga puno malapit sa kalsada matapos na mabuwal at matumba ang puno ng Acacia.

Linggo ng gabi nang mangyari ang insidente sa Barangay Sta. Rosa Del Norte,Pasacao nirespondehan ng mga personahe ng Barangay , Bureau of Fire Protection ,MDRRMO at iba pa. Nadala sa ospital ang nasugatang motorista, alas-diyes na nang matapos ang clearing operation.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni MDRRM Officer Edmer Miravalles, sa ngayon magkakaroon ng pagpuputol sa mga sanga o pruning sa mga puno batay na rin sa utos ng alkalde. Hindi aniya basta-basta nakakapagputol dahil kailangan pa ng permit to cut. Iikot din sila para makita nag iba pang hazard lalo na ngayong tag-ulan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *