Kaso ng unemployment sa bansa, dapat lang umanong bigyang prayoridad ng gobyerno

Ipinunto ni Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development, Chairperson, Senador Joel Villanueva na nanatiling pa ring malaking problema ng bansa ang underemployment.

Ito ay sa kabila ng pagbaba ng unemployment rate sa 3.1% nitong Hunyo mula sa dating 4.1% noong Mayo.

Read More:  Drilon urges senators: put national interest first in VP Sara impeachment trial

Pagpapaliwanag iya, bagamat ganun ang sitwasyon ay idinidiin naman ng pagtaas ng underemployment mula 9.9% papuntang 12.1% ang isyu sa job-skills mismatch at kwalidad ng trabaho.

Kasunod nito, ipinunto niyang marapat lang pagtuunang pansin ng gobyerno ang pagresolba rito upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga empleyado.

Read More:  LFS condemns Padilla’s proposal to lower age of criminal responsibility to 10

Matatandaan, isa sa mga isinisulong na batas sa Senado ang Enterprise-Based Education and Training (EBET) Framework Act na naglalayong palaguin ang kakayahan ng mga manggagawa sa pamamagitan ng training, apprenticeship at upskilling.