Agriculture sector, may mababang produksyon sa ikalawang quarter ng taon

Bumaba ang produksyon ng sektor ng magsasaka at mangingisda sa ikalawang quarter ng taon.

Batay sa datos ng Philippines Statistics Authority (PSA), bumaba sa 15.56M metric tons ang produksyon ng agricultural sector.

Kasama na rito ang mababang output sa tubo, palay, at mais.

Read More:  Palace urges lawful action on Bato ICC arrest issue

Paliwanag ng Department of Agriculture – bunsod pa rin ito ng epekto ng El Niño.

Samantala, mula Abril hanggang Hunyo ngayong taon, nakapagtala ng 1.02M metric tons ng volume nga fisheries production.

Mas mababa rin umano ito sa output noong nakaraang taon.

Read More:  Daughter of JPE responds to Cayetano following “uncle” remark

Kasabay niya, bumaba rin ang produksyon ng baboy dahil sa mga naiiulat na ASF; habang tumaas naman ng 8.7% ang poultry production.

Sa kabila ng pagbaba ng naturang mga produksyon, sinabi ni DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa na matatag pa rin ang suplay ng pagkain sa bansa.