KORONADAL CITY — MAARING magsampa ng kaso rape sa pamamagitan ng Koronadal City PNP ang pamilya ng isang indibidwal na biktima ng panggagahasa.
Ito ang kinumpirma ni Koronadal City Social Welfare and Development o CSWDO Hydee Anunciado sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.
Ayon kay Anunciado, mismo ang PNP ang magpapadala ng request para sa isasagawang medico-legal, ang dokumentong kailangan sa pagsasampa ng kaso.
Nilinaw ni Anunciado, kung nasa kostudiya ng mga magulang ang batang biktima, maaring ang mga magulang ang magsasampa ng kaso sa kooperasyon ng bata.
Handa naman umanong tumulong ang DSWD sa pag-assist sa biktima lalo na sa counseling upang malaman ang totoong pangyayari.
Dahil dito, hinihiling ni Anunciado sa publiko na kaagad i-report sa kanilang opisina ang mga kahalintulad na insidente.
Samantala, hindi umano alarming ang kaso ng rape sa Koronadal dahil mababa ang bilang nito lalo na ngayong panahon ng Covid-19 pandemic kung saan nasa bahay lamang ang mga bata na madalas biktima ng krimen.
Dagdag pa nito na base sa kanilang datus, madalas kakilala, kapit-bahay o kamag-anak ng biktima ang salarin sa kasong rape na sinasamantala ang pagkakataon upang magawa ng krimen.
