Pamamakuna laban sa Covid-19 sa mga bata sa Koronadal, inaayos na!

KORONADAL CITY — PINAG-AARALAN na ang mga istratehiya na gagawin sa pagsasagawa ng pamamakuna sa mga A3 pediatric group o mga batang na nasa edad 12 hanggang 17-anyos sa Koronadal.

Ito ang inihayag ni Acting OIC City Health Officer Dr. Stephen Mortera sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Ayon kay Mortera, sinisikap na nila na mabigyan ng bakuna ang lahat na mga bata sa nabanggit na age group.

Hinihikayat ni Mortera ang publiko na makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga barangay health center upang mabigyan ng impormasyon sa pamamakuna sa mga bata.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Samantala, nilinaw ni Mortera na kailangan din na ma-proteksyunan ang mga bata laban sa Covid-19.