Kaso ng pertussis, Umabot sa 480-DA

Batangas City- Umabot na sa apatnaraan at walumpo ang kabuuang bilang ng mga kaso ng pertussis sa CALABARZON.

Batay sa pinakahuling datos ng Department of Health o DOH-Region 4A, 301 sa nasabing bilang ang clinical case o ‘yung mga pasyenteng nakakaranas ng sintomas ng pertussis sa loob ng dalawang linggo ngunit hindi kumpirmado.

Isangdaan at pitumpo’t siyam naman ang laboratory-confirmed cases o ‘yung mga pasyenteng kumpirmadong tinamaan ng sakit.

Sa kabuuan, dalawampu’t dalawa sa rehiyon ang nasawi dahil sa sakit.

Nabatid na ayon sa DOH, nakitaan na nila ng tatlumpo’t pitong porsyentong pagbaba ang kaso ng pertussis sa buong bansa.

Samantala, patuloy naman ang pagpapaalala ng kagawaran sa lahat ng mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa pertussis.