Umakyat na sa 15 ang bilang ng tinamaan ng Mpox sa bansa.
Ito ang kinumpirma ni Health Undersecretary Gloria Balboa sa isinagawang meeting ng Metro Manila Council kahapon.
Ayon kay Balboa, ang labinlimang kaso ay may edad na labing dalawa hanggang apatnaput isang taong gulang.
Labing apat dito ay lalaki at isa ang babae. Labing isa naman dito ang taga NCR, tatlo ang taga CALABARZON, at isa sa Cagayan Valley.
Sa kabila nito, iginiit ng opisyal na hindi ito alarming at manageable pa rin ang sitwasyon.
Kaugnay nito, planong magsagawa ng MMDA at mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila katuwang ang Department of Health ng malawakang information drive kaugnay sa Mpox at kung paano ito maiiwasan.
Ayon kay MMDA Chairman Atty. Don Artes, isa sa ikinokonsidera nila ang panukala ng San Juan LGU na magsagawa ng town hall meeting kung saan dadalo ang mga opisyal ng gobyerno, mga kinatawan ng DOH para mapag-usapan at maipabatid sa publiko ang panganib ng Mpox kung paano ito makukuha at maiiwasan.