Kaso ng mga suspek na sangkot sa pakawala ni Catherine Camilon, ibinasura

Ibinasura ng piskalya ang reklamong kidnapping at serious illegal detention laban kina dating Police Major Allan de Castro at sa driver-bodyguard nitong si Jeffrey Magpantay.

Ayon sa resolusyon ng piskalya, kulang ang ebidensiya laban sa mga suspek para isampa sa korte ang reklamo.

Ngunit base sa imbestigasyon ng pulisya lumalabas na si De Castro ang huling kasama ni Camilon bago siya napaulat na nawawala noong Oktubre sa Batangas.

Una ng sinabi ng mga otoridad na mayroon umanong relasyon ang dalawa at hinihinala na nakikipaghiwalay ang biktima.

Pero itinanggi ni De Castro na naging nobya niya si Camilon.

Pinabulaanan naman ni Magpantay na may kinalaman siya sa pagkawala ng biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *