Total ban sa vape itutulak sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE – Itutulak ng Provincial Health Office ang total ban sa vape sa lalawigan ng Camarines Norte dahil sa masamang epektong dulot nito sa kalusugan.

Sa Press Conference nitong Miyerkules na ginanap dito sa bayan ng Daet sinabi ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco na ang trending na ngayon ay hindi na ang sigarilyo kundi vape at sa ngayon ay wala pang ordinansa patungkol dito ang probinsiya.

Ayon kay Francisco nais nilang makapagbalangkas ng ordinansa  ang probinsiya patungkol dito.

Mababatid na batay naman sa  Administrative Order ng Department of Trade and Industry (DTI), pagdating sa Hunyo ay kinakailangang mayroong Import Commodity Clearance (ICC) markings ang ibinebentang vape  na imported at Philippine Standard (PS) mark naman kapag locally manufactured.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *