Kaso ng mga naputukan ngayong taon sa Bicol, mas mataas kumpara noong 2022

LEGAZPI CITY – Mas mataas ngayon ang bilang ng mga kaso ng fireworks-related injury sa buong Bicol Region mula Disyembre 21 hanggang 24 kung ikukumpara sa kaparehong peryodo noong nakaraang taong 2022.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Legazpi ni Julie Ann Legaspi Granadino, Senior Health Program Officer ng Violence and Injury Prevention Program ng Department of Health Bicol.

Read More:  7 arrested in Cebu restobar theft case

Sa pinakahuling datos ng ahensya, nasa pitong mga kaso na agad ang naitala sa buong rehiyon na mas mataas kung ikukumpara noong 2022 na may tatlo lamang sa kaparehong peryodo.

Pawang tatlong kaso ang naitala sa Naga City, at Camarines Sur habang isa naman sa Albay.

Sinabi ni Granadino, karamihan sa mga naputukan, biktima ng improvised canon o boga.

Read More:  Drunk brother-in-law kills mother, injures teen over ₱500 debt in Negros Oriental

Ayon pa kay Granadino, wala namang naiulat na anumang amputations o pagkaputol ng bahagi ng katawan, dahil pawang blasts o burn lamang ang naitala sa mga biktima.

Samantala, binigyang-diin naman niya ang mahigpit nilang paalala na huwag nang gumamit ng mga paputok upang ligtas na makapagdiwang ng Bagong Taon.