Kaso ng mga kabataang nag-i-stowaway mataas ayon sa SCPS

Mga kabataang umaalis sa kanilang mga bahay ng hindi nagpapaalam ang madalas na nairereport sa Sorsogon City Police Station.

Sa panayam ng Brigada News kay City PNP Women and Children Protection Desk Investigator PMSg Celeste Dioneda, sinabi nito na sa ngayon ay mataas ang bilang ng mga insidente ng mga menor- de- edad na nag i-stow away o mga kabataang umuuwi na ng umaga, nagpapalipas ng ilang araw sa kanilang mga kaibigan o sumasama sa kanilang mga kasintahan.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Ayon pa sa opisyal, bagama’t nahahanap o kusa namang bumabalik ang mga ito sa kanilang mga pamilya, nababahala umano sila na karamihan sa mga ito ay maagang nag-eengage sa premarital sex base na rin sa kanilang ikinukunduktang physical at genetical examination sa mga nahahanp nilang nag- i-stow away kung saan batay sa kanilang datos ay 13 taong gulang ang pinakabata.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Una rito, sinabi ng opisyal na mababa o halos wala silang naitatalang kaso ng rape ngayong taon kumpara noong mga nakaraang taon partikular na sa panahon ng pandemya kung saan karamihan umano sa mga suspek ay kapamilya lamang ng mga biktima.