Kaso ng Dengue sa SoCot, bumaba sa mahigit 1,000

KORONADAL CITY- BUMABA sa 1, 327 ang kaso ng dengue sa South Cotabato noong nakaraang taon, mula sa 7,000 na mga kasong naitala noong 2019.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Jose Baroquillo, focal person ng South Cotabato Provincial Moquito Borne Team, isa umano sa posibleng dahilan ng pagbaba ng kaso ay ang mga ipinatupad na restrictions dahil sa Covid-19.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Ngayong 2022, nasa 30 kaso na ng dengue ang naital sa South Cotabato kung saan Koronadal ang may pinaka-marami na sinusundan ng Tboli, Banga at Polomolok.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Sa kabila ng pagbaba ng kaso, hindi umano dapat ma-kampante ang publiko sa halip ipagpatuloy ang paglilinis sa paligid at pag-sunod sa 4S strategy.