Mga bakunado sa Cauayan City, umabot na sa 91%; pagsasaayos sa talaan ng mga edad 5-11 anyos para mabakunahan, isinasagawa

Umabot na sa 91% mula sa target na mabakunahan ang fully vaccinated na kontra COVID-19 sa lunsod ng Cauayan.

Ayon kay Mayor Bernard Dy, nasa kabuoang 89, 238 na ang mga bakunado.

Habang aabot naman sa 99, 395 ang mga nakakuha na ng first dose kung saan ilan sa mga ito ay kasalukuyan na ang pagtanggap ng ikalawang dose ng bakuna.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Sa ngayon aniya ay nagpapatuloy pa rin ang bakunahan sa mga edad 12 hanggang 17-anyos at 18-anyos pataas.

Kinumpirma rin ng alkalde na isinasaayos na ang master listing sa mga limang taong gulang hanggang 11-anyos para sa pagsisimula naman ng vaccination sa kanila subalit hihintayin pa umano ang abiso para rito.

Bukas din aniya ang mga vaccination site sa SM City Cauayan, Villa Luna Community Center, San Fermin at Nungnungan 2 kung saan maaaring magtungo ang mga walk-in.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Patuloy naman na hinikayat ni Mayor Dy ang mga kababayan na samantalahin ang mga pagkakataong makatanggap ng bakuna at magpa-booster shot.

Samantala, para sa COVID-19 cases sa lunsod ay 17 ang naka-admit ngayon sa mga pagamutan, isa ang nasa quarantine facility at 103 naman ang naka-home quarantine.