Tiniyak ng Pampanga Provincial Health Office na manageable at kaya pa ng Pamahalaan ang kaso ng Covid-19 sa lalawigan.
Ito ay kahit pa malapit ng maabot ng Pampanga ang High Risk level.
Ayon kay PHO officer Dr. Zenon Ponce, mahigpit ang monitoring na isinasagawa ng Pamahalaan sa mga ospital lalo pa’t nasa full capacity na ang ilan sa mga ito.
Nakikipag-ugnayan rin ang Pamahalaan sa mga ospital sa karating lalawigan para mabigyan ng atensyong medical ang mga Covid-19 patient sa probinsya.
Maliban pa rito ay nagpapatupad rin ng Home Care Program ang Provincial Government kung saan pinapayagang mag home quarantine ang mga asymptomatic patients.
Una ng sinabi ni Governord Dennis “Delta” Pineda na sapat ang mga medical supplies sa lahat ng ospital sa lalawigan.
Sa ngayon nasa 30, 520 na ang kumpirmadong kaso sa Pampanga, kung saan 4, 319 sa mga ito ang aktibong kaso, 24 676 ang mga recoveries at 1, 527 ang mortalities.
