Babaeng tulak mula Cavite, timbog sa Calatagan, Batangas

CALATAGAN – Kulungan ang bagsak ng isang babaeng tulak umano ng iligal na droga matapos na maaresto sa ikinasang buy bust operation sa Brgy. Tanagan, Calatagan, Batangas.

Kinilala ang suspek na si Cherry Ann Fortuno y Asican, 33 anyos, isang vendor ng gulay at residente ng Purok 1, Pasong Kawayan 2, General Trias, Cavite.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Ayon sa report mula sa pamunuan ni PMaj Ronnie Aurellano, hepe ng Calatagan MPS, ang suspek ay nakuhanan ng anim na sachets ng pinaniniwalaang Shabu at 13 piraso ng P1,000 boodle money at isang libong piso.

Narekober rin sa kanya ang minamanehong puting Toyota Hi-Lux pick-up at ilang mga gamit nito.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Nabatid na mula Cavite ay dinayo pa ng suspek ang Calatagan para magtulak umano ng iligal na droga.

Sinampahan na ang suspek ng kasong paglabag sa Sec. 5 & 11, Art. 2 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.