Ilang lugar sa Arayat, Pampanga isinailalim sa lockdown

Isinailalim sa lockdown ang ilang purok mula sa anim na barangay sa bayan ng Arayat.

Kabilang dito ang Purok 5 at 7 sa barangay Arenas, Purok 1,2, at 3 sa barangay Lacmit; Purok 1,4,5 at 6 sa Mangga-Cacutud; Purok 5 at 6 sa bgy San Roque Bitas; habang ang Purok 3,5 at 6 naman sa barangay San Nicolas, at ang Purok 3 sa barangay Sto Niño Tabuan.

Read More:  After armed clash in Negros town, civilian taken into custody, then released

Nagsimula ang lockdown kahapon at magtatagal hanggang alas dose ng hatinggabi sa August 24.

Sa panahon ng lockdown, papayagan lang na makalabas ng kanilang bahay ang mga authorized person outside residence o APOR at sa panahon ng emergency.

Read More:  Transgender woman alleges discrimination in entrance exam process at Lucena City School

Samantala layon ng pagsasailalim sa lockdown sa mga naturang lugar ay para ma-contain ang pagkalat ng virus, at maisagawa ang contact tracing at testing sa mga apektadong residente.