Kaso ng COVID-19 sa NCR, maaring tumaas ng hanggang 500 ngayong linggo

Nagbabala si OCTA Research fellow Dr. Guido David na maaring pumalo sa 500 ang kaso ng COVID-19 sa National Capital Region ngayong linggo.

Binigyang diin ni David, na nagtala ang NCR ng 434 na mga bagong infections noong Lunes na may one-week growth rate na 52%.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Iniulat rin ni David na ang positivity rate sa NCR ay umakyat sa 5.9% noong June 25 mula sa 3.9% noong June 18.

Sa kabila nito, tiniyak ni David na ang naturang figures ay hindi dapat na ikabahala, dahil nananatiling mababa parin ito kumpara sa nakaraang COVID-19 surges.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Mababatid na ang Metro Manila at iba pang lugar ay nananatiling nasa ilalim ng Alert Level 1 mula July 1 hanggang 15 sa gitna ng COVID-19 pandemic. //MHEL PACIA