Hinimok ni Albay Representative Joey Salceda si incoming Department of Labor and Employment (DOLE) chief Bienvenido Laguesma at Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople na tanggalin na ang overseas filipino worker (OFW) deployment ban.
Ayon kay Salceda isa rin umanong human right ang labor mobility kung saan maganda ito para sa ekonomiya ng bansa dahil sa kasalukuyang local currency depreciation.

Aniya, taliwas ito sa social policy at isa umano itong bad economic policy kung saan sunod-sunod na ang pagbaba ng palitan ng piso kontra dolyar.
Samantala, nauna ng sinabi ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na tataasan nila ang deployment cap ng mga healthcare workers dahil sa tumaas na suplay ng nurses sa ibang bansa.
(ARGIE ERGINA)