BNFM BICOL— Sumampa na sa 54,046 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol makaraang madagdagan ng 563 mga bagong kaso kahapon.
Batay sa tala ng DOH, 258 mga bagong kaso ang naidagdag sa Camarines Sur kung saan 116 nito ang mula sa Naga City; 15 sa bayan ng Pili at San Fernando; 11 sa Iriga City at Tinambac; siyam sa Nabua; pito sa Canaman; anim sa Lagonoy; tag li-limang kaso ang Bula, Calabanga, Camaligan, Caramoan, Goa. Milaor, Pamplona at San Jose; apat na kaso sa Pasacao art Ragay; tag-tatlong kaso ang Baao, Bombon at Buhi; dalawa sa Cabusao at Tigaon habang may tag-iisa ang mga bayan ng Del Gallego, Gainza, Libmanan, Minalabac, Ocampo, Sagnay at Siruma.
Ang lalawigan ng Albay ay mayroong 97 mga bagong kaso kung saan 38 nito ang mula sa Legazpi City; 16 sa Daraga; 13 sa Guinobatan; lima sa Manito; apat na kaso sa Camalig, Ligao City at Rapu-Rapu; tatlo sa Tabaco City; dalawa sa Jovellar, Malinao at Sto. Domingo at tag-iisa ang Bacacay, Libon, Malilipot at Oas.
Nasa 73 naman ang mga naitalang kaso sa Sorsogon kung saan 41 nito ang mula sa Sorsogon City; siyam sa Gubat; apat sa Pilar; tatlo sa Bulan, Barcelona, Castilla at Juban; dalawa sa Casiguran at Matnog at tag-iisa ang Bulusan, Donsol at Prieto Diaz.
Umabot naman sa 70 ang mga bagong kaso sa Masbate kung saan 16 nito ang mula sa Mobo; sampo sa Masbate City; siyam sa Aroroy at Cawayan; pito sa Milagros; lima sa Mandaon; tatlo sa Claveria at Palanas; dalawa sa Cataingan, San Jacinto at Uson at tag isa naman ang Dimasalang at San Fernando.
Sa lalawigan ng Camarines Norte, 56 na mga bagong kaso ang naidagdag kung saan 18 ang mula sa Daet; sampo sa Labo; anim sa Talisay; lima sa Jose Panganiban at Vinzons; apat sa Basud; tatlo sa Paracale; dalawa sa Capalonga at San Lorenzo Ruiz at isa naman sa bayan ng San Vicente.
Nakapagtala rin ng siyam na kaso ang Catanduanes kung saan anim nito ang mula sa Virac at tag iisa ang Caramoran, Baras at San Andres.
Bunsod nito, nasa 8,158 na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Bicol habang nakapagtala naman ng mataas na recoveries kahapon na umabot sa 338 kung kaya’t nasa 43,862 na ang bilang ng mga gumaling.
Dalawa naman ang naidagdag sa mga nasawi kung kaya’t nasa 2,026 ang ang COVID-19 death toll sa Bicol.###