Kaso ng COVID-19 sa Bicol sumampa na sa 23,100

BICOL—Pumalo na sa 23,100 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa Bicol region matapos na magtala ng 105 na panibagong kaso ngayong araw.

46 nito ay mula sa lalawigan ng Camarines Sur kung saan 13 ang naitala sa Naga City, siyam sa bayan ng San Fernanco, apat sa bayan ng Ragay, tatlo sa lungsod ng Iriga, tigdadalawa ang mga bayan ng Baao, Gainza, Milaor at Tinambac at tig-iisa ang mga bayan ng Bula, Calabanga, Camaligan, Garchitorena, Libmanan, Nabua, Pili, Sipocot at Tigaon.

22 ang bagong kaso sa Camarines Norte kung saan pito nito ay mula sa bayan ng Daet, anim sa bayan ng Labo, tigtatlo ang bayan ng Jose Panganiban at Vinzons, dalawa sa bayan ng Mercedes at isa sa bayan ng Talisay.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

15 kaso ang nadagdag sa Masbate kung saan lima nito ay mula sa bayan ng Palanas, apat sa Masbate City, dalawa sa bayan ng Claveria at tig-iisa ang mga bayan ng Baleno, Dimasalang, Milagros at Mobo.

11 bagong kaso naman ang nadagdag sa Sorsogon kung saan siyam nito ay mula sa Sorsogon City at tig-isa ang bayan ng Casiguran at Gubat.

Anim na bagong kaso naman ang mula sa Albay kung saan dalawa ang mula sa lungsod ng Legazpi, dalawa rin sa bayan ng Oas at tig-isa ang bayan ng Daraga at Polangui.

Tatlong bagong kaso ang nadagdag sa Catanduanes kung saan dalawa nito ay mula sa bayan ng Virac at isa sa bayan ng Baras habang may dalawa namang nagpositibo na galing sa labas ng Bicol.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Samantala, 37 ang mga bagong gumaling kung kaya pumalo na sa 18,946 angt total recoveries kung saan 22 nito ay mula sa Catanduanes,12 sa Albay at tatlo sa Sorsogon.

Dalawang bagong pagkasawi ang nadagdag, isa sa Albay at isa rin sa Camarines Norte kung kaya pumalo na sa 870 ang death toll sa COVID-19 sa Bicol.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.###  || slm