Kaso ng bird flu, wala pang naitala sa region 2- DA RFO2

Kinumpirma ni Dr. Roberto Busania, Regional Technical Director for Operations ng DA Region 2, na wala pang naitalang kaso ng Avian Influenza (AI) H5N1 sa lambak ng Cagayan.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Dr. Busania, sinabi niya na sa kasalukuyan ay wala pang natukoy na ganitong sakit batay sa kanilang ginawang laboratory test.

Subalit nakapagtala na aniya ang ibang rehiyon gaya ng Region III at Region V.

Paliwanag ni Dr. Busania, nagkakaroon ng bird flu sa bansa dahil sa posibleng dala ng mga migratory birds mula sa mga bansang apektado ng Avian Influenza gaya ng China, South Korea, Japan at Russia.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Dahil sa lamig ng temperature sa mga bansang ito ay bumababa ang mga migratory bird sa mga warmer countries katulad ng Pilipinas kung saan kalimitang pumupunta ang mga ito sa mga sapa, forest areas at dam.

Kaugnay nito ay nagsasagawa na aniya sila ng intensive surveillance and monitoring lalong-lalo na sa mga itinuturing na critical areas kung saan pumupunta ang migratory birds.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Sa Region 2, ilan sa mga pinupuntahan umano ng mga ito ay Dam sa Ramon, mga sapa sa Cabagan, Coastal areas at forest area sa Peñablanca, Cagayan.

Aniya, maaaring mahawaan ng tao ng AI H5N1 at magdudulot ng sakit subalit nakikitang low risk ang fatality rate nito.

Pinaalalahanan naman ni Dr. Busanaia ang mga poultry raisers na maging vigilante at gawin ang mga biosecurity measures para makaiwas ang kanilang mga alagang manok, pugo, pato o itik mula sa  bird flu.