Kaso ng active COVID-19 sa bansa, pumalo na sa mahigit 12K

Pumalo pa sa 12,528 ang active COVID-19 cases sa Pilipinas, na siyang pinakamataas na tally simula noong April 2022.

Batay sa latest bulletin, sinabi ng Department of Health (DOH) na nasa 1,712 ang mga bagong coronavirus infections na kanilang naitala.

Dahil dito, nasa 3,714,770 na ang nationwide total caseload, habang ang total recoveries naman, ay nasa 3,641,603 na at ang death toll ay 60,639.

Kaugnay nito, ang Metro Manila ang may pinakamataas na bilang ng COVID-19 cases sa nakalipas na 14 na araw sa 6,869, na sinundan ng Region IV-A sa 2,915; Region VI sa 1,253, Region III sa 1,134, at Region VII sa 662. //MHEL PACIA