Inamin ng veteran singer-performer na si Gary Valenciano na hirap siya sa kanyang boses, at nagdadasal para sa kanyang pag-galing.
Ang pahayag ni Valenciano ay bago ang pagbubukas ng “Joseph The Dreamer,” na marka ng kanyang pagbabalik sa musical theater, matapos ang 23 taon.
Mababatid na matapos gampanan ang titular role noong 1999, hahawakan naman ni Valenciano ang karakter ng ama ni Joseph na si Jacob.

Ang anak nitong si Paolo, ang magdidirek sa kanya para ngayong taon na production.
Ang Trumpets’ longest-running musical, na “Joseph the Dreamer,” ay magbubukas sa July 15 sa Maybank Performing Arts Theater sa Taguig. //MHEL PACIA