Kaso laban sa lider ng Bayanihan Socorro Services, pinalilipat ng DOJ sa Metro Manila

Pinalilipat ng Department of Justice (DOJ) sa Metro Manila ang kaso laban sa lider ng Bayanihan Socorro Services.

Ito’y dahil Hunyo pa lamang inihain sa Surigao ang reklamo pero wala pang nangyayaring preliminary investigation sanhi ng kaliwa’t kanang motion to inhibit ng grupo.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Ayon kay DOJ Spokesperson Assistant Secretary Mico Clavano, hindi bababa sa 50 na bata ang biktima sa patong-patong na reklamo laban sa grupo.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Kabilang na rito ang qualified trafficking, kidnapping, paglabag sa batas na pagbabawal ng child marriages, child abuse at pati na rin child exploitation.

Samantala, bubuo ng task group ang DOJ katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para pangalagaan ang mga biktima.