Lalaki, huli matapos patayin ang asawa; bangkay, itinapon sa isang lawa

Hinuli ng mga otoridad ang isang lalaki matapos patayin ang sariling asawa sa North Carolina.

Kinilalang si Omar Matthew Ibrahim Drabick, 34-anyos at sinampahan ng first degree murder dahil sa pagpaslang sa kanyang asawang  si Hadeel Ghadhanfer Hikmat, 34-anyos.

Natagpuan ng isang boater sa Jordan Lake ang bangkay ni Hikmat noong Agosto 29 sa paligid ng isang bangka.

Nakilala ng pulisya ang biktima na si Hikmat sa pamamagitan ng fingerprint analysis.

Natukoy ng mga imbestigador na ang pagkamatay ng biktima ay hindi aksidente. ### KENNETH BERMIL