Hinatulan ng Las Piñas Regional Trial Court ng dalawa hanggang walong taong pagkakakulong ang isang kasabwat sa pagpatay sa radio commentator na si Percy Lapid noong nakaraang taon.
Ayon sa Department of Justice, guilty ang New Bilid Prison inmate na si Denver Mayores, na umamin na nakipag sabwatan kay dating Bureau of Corrections Chief Jerald Bantag sa krimen.
Bago nito, hinatulan ding guilty ang tatlo pang Bilibid gang members na sangkot din sa kaso.
Matatandaang binaril si Lapid ng riding in tandem malapit sa kanyang bahay sa Las Pinas City noong nakaraang taon.
Iniuugnay sa pagkamatay ni Lapid ang dating BuCor chief na si Batag at ang dati nitong deputy na si Ricardo Zulueta.
