Karpintero, arestado sa kasong frustrated homicide sa Tiwi, Albay

LEGAZPI CITY – Sa kulungan ang bagsak ng isang karpentero sa Barlin St., Brgy. Tigbi bayan ng Tiwi, Albay dahil sa kasong frustrated homicide.

Kinilala itong si Alex Consorte Martinez, 50-anyos, may asawa at residente ng nasabing barangay.

Ayon sa report, pinuntahan ng Tiwi MPS ang akusado kasabay ang 2nd Albay PMFC 3rd Platoon upang isilbi ang warrant of arrest na pirmado pa noong Hulyo 21, 2023 dahil sa nasabing kaso.

Aabot naman sa PHP72,000 ang inirekomendang piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sa ngayon, hawak na ng nasabing himpilan ang akusado para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *