Nananawagan na congressional investigation ang Alkalde ng Iloilo City bunsod ng malawakang brownout na nasasanasan sa kanilang lokalidad na pagkukulang umano ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Mayor Jerry Treñas, ng Iloilo, sinabi nito kinakailangan ng mapag-aralan kung anung karampatang parusa ang maaring ibigay sa NGCP lalo’t napakalaing problema ang idinudulot ng malawalang blockout lalo na sa mga negosyo sa lugar.
Giit pa ng Punong lunsod, mas malaki pa ang mawawala sa ekonomiya ng Iloilo kung magtatagal pa ang aniya’y “problematic condition” na ibinibigay ng matagalang power interruption.
Una rito, nakatakda nang maghain si Sen. Raffy Tulfo ng isang resolusyon para ipasiyasat at mapanagot ang mga may sala sa nangyaring power outage sa Panay Island habang maghahain rin si Iloilo First District Representative Janette Garin ng resolusyon upang paimbestigahan naturang blockout sa Western Visayas.