Karambola ng sasakyan sa Nueva Vizcaya, isa-patay

Patay ang isang lalaki na hindi pa natukoy ang pagkakakilalan matapos ang nangyaring karambola ng sasakyan sa Barangay Abian, Bambang, Nueva Vizcaya.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sangkot sa nasabing aksidente ang isang Isuzu Canter na minamaneho ni Raymond Mallari; isang close van na minamaneho naman ni Judy Galamay at isang Toyota Hi-Ace Van na minamaneho ni Jobert Marcos.

Read More:  Transgender woman alleges discrimination in entrance exam process at Lucena City School

Ayon sa mga nakasaksi sa insidente ay parehong binabagtas ng Isuzu Canter at Close van ang daan patungong Aritao habang sa kasalungat na direksyon naman ang Hi-Ace Van.

Nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay nag-overtake umano ang Hi-Ace Van dahilan upang masalpok nito ang paparating na Isuzu canter hanggang sa madamay pa ang close van.

Read More:  Mati City students welcome proposed ₱5,000 cash grant for fresh graduates under senate bill 1961

Sa tindi ng impact ay nawasak ang Hi-Ace Van na nagresulta pa upang magtamo ng sugat ang mga sakay nito maging ng isuzu canter na agad idinala sa pagamutan.

Isa sa mga sakay ng Hi-Ace van na hindi pa nakikilala ang idineklarang patay ng sumuring doctor.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan hinggil sa naturang insidente.