Karambola ng mga sasakyan, ikinasawi ng isang motorista

Dead-on-arrival na ang isang motorista matapos itong masangkot sa karambola ng mga sasakyan kamakailan sa Barangay Uddiawan, Solano, Nueva Vizcaya.

Sangkot sa naturang karambola ang sinasakyang motorsiklo ng nasawi na kinilalang si Limuel Valdez Bumanghat na residente sa nabanggit na lugar.

Kabilang din sa sangkot ang mountain bike ni Antonio Cadabona na residente ng Uddiawan, Solano, at isang traysikel na minamaneho ni Samuel Bermudez Jr. kung saan sakay din nito sina Jennifer Tabdol, Pinang Baglan at Reyna Akhiela Pudduan na pawang mga residente ng Brgy. Communal, Solano.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Base sa ulat ng mga pulis, parehong patungo sa Solano Proper ang Motorsiklo, at Bisikleta habang papunta namannsa kasalungat na direksiyon ang traysikel.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Sa hindi inaasahang pangyayari ay biglang bumangga ang motorsiklo sa kasabayang bisikleta dahilan para ito’y matumba at mapunta sa kabilang linya kaya ito nasalpok ng paparating na traysikel.

Dahil sa insidente, nagtamo ng iba’t ibang mga sugat sa katawan ang mga drayber, at mga pasahero nito subalit hindi na umabot pa sa pagamutan ang drayber ng motorsiklo.