Kakulangan ng establishments sa Caramoan, isa sa mga nakikitang hamon sa pagsipa ng turismo

CAMARINES SUR –  Malaking hamon sa pagsipa ng turismo sa islang bayan ng Caramoan, Camarines Sur ang kakulangan ng mga establishments  tulad ng restaurant, hotel at iba pa.

Ayon kay Tess Delfin, ang Vice President for Publice Relations ng Camarines Sur Chamber of Commerce and Industry, Inc. (CSCCI) at Chairman ng 3rd Bicol Tourism Conference ngayong taon, bagaman mayroon ng mga hotel at restaurant sa tinaguriang  “Emerging Paradise of the Pacific” kulang pa aniya ito at hindi pa sapat para sa mga turistang bumibisita.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental
Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Kaugnay nito, nanawagan ang opisyal sa mga local government na gumawa ng paraan upang suportahan ang mga local Micro-, Small and Medium-sized Enterprises (MSMEs) maging ang pagpapaunlad ng isla. Bukas rin aniya ang CSCCI sa pakikipagtulungan sa mga ito.