Karagdagang water pumping station itatayo sa upper barangay ng Naga City

NAGA CITY – Itatayo sa isang lote sa Barangay Carolina, Naga City ang karagdagang water pumping station, batay ito sa nabuong desisyon ng mga board members ng Metropolitan Naga Water District sa ginawa nilang pag-uusap kahapon, kaharap si City Mayor Son Legacion na ang naging pangunahing agenda ay ang maresolba ang problema sa water supply sa lungsod.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Nagkaroon ng pirmahan ng Deed of Usufruct para sa planong ito na ang ibig sabihin ay pinapayagan ng LGU-Naga na pansamantalang gamitin muna ng MNWD ang bakanteng loteng iyon na malapit City Nursery Compound sa naturang barangay para sa project na ito.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Ang kakulangan ng water supply sa lungsod ay problema na ng lahat kabilang sa mga apektado na ay ang City College of Naga na pampublikong kolehiyo na kung saan ayon kay Dr. Magno Conag Jr., School President ay apektado hindi lamang ang mga estudyante kundi ang kanilang operasyon.