Karagdagang 1.2M doses ng Sinovac, Sinopharm vax, dumating na rin sa PH

Dumating na sa bansa ang karagdagang mahigit 1.2 million doses ng Sinopharm at Sinovac’s COVID-19 vaccine, kaninang umaga.

Ayon kay National Taskforce Against COVID-19, ang kabuoang isang milyong biniling doses ng Sinovac at 260,800 donated Sinopharm doses ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport.

Read More:  Tulfo seeks persona non grata move against Chinese Ambassador Jing Quan

Ang Sinopharm shipment ay bahagi ng 1 million doses na ibinigay ng Chinese government.

Read More:  Four Philippine Air Force pilots killed as two SF-260 aircraft crash

Una nito, kahapon nang dumating ang inisyal na 739,200 Sinopharm vaccine doses sa bansa.

Samantala, mula Miyerkules nasa mahigit 12.8 million indibidwal na sa bansa ang fully vaccinated laban sa COVID-19, gamit ang iba’t-ibang brands ng bakuna. // MHEL PACIA-TRINIDAD