LEGAZPI CITY – Patuloy pa rin ang Lokal na Gobyerno at Phil Army sa pagkumbinsi sa New Peoples Army na isuko na ang kanilang sarili at magbalik loob na sa Pamahalaan.
Ito ang inihayag ni Lt.Col. Jerome Cabigon ang Commanding Officer ng 9 CMO battalion ng 9th Infantry Division ng Phil Army.
Ayon kay Cabigon, kapayapaan sa bansa ang nais nitong iparating sa publiko ngayon ika 125 annibersaryo.
Ang tema ng kanilang ipinagdiriwang ay “Kapayapaan para sa lahat” na kung saan ang layunin nito ay makamit ang katahimikan sa bansa.
Matagal na umanong nagpapatayan ang mga sundalo at NPA dahil sa maling idelohiya at maling pakikipaglaban sa gobyerno.
Dahil dito marami rin umano ang nadadamay na civilian na naiipit sa engkwentro ng npa at militar.
Sinabi ng opisyal upang mabuhay ng mapayapa at matiwasay na pamamalakad kinakailangan lamang na isuko na ang kanilang sarili at makapiling ang kanilang pamilya.