Presyo ng Diesel sa Camarines Norte naglalaro sa P65. 55- P70. 54, kada litro, gasolina P74. 20- P76. 19 kasunod ng ipinatupad na big time rollback nitong Martes

CAMARINES NORTE- Naglalaro ngayon sa P65. 55 hanggang P70. 54 ang kada litro ng diesel habang P74. 20 hanggang P76. 19 naman sa gasolina sa Daet, Camarines Norte.

Kasunod yan ng big time oil price rollback na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis nitong Martes.

Sa Shell Mancruz nasa P66. 54 ang kada litro ng FuelSave  diesel, P70. 54 sa V- Power diesel, P75. 19 sa FuelSave gasoline at P76. 19 sa V- Power gasoline.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Sa Caltex P65. 55 sa diesel, P74. 20 sa Silver at P74. 70 naman sa Platinum.

Pareho ang presyuhan nito sa katabing Seoil gas station para naman sa kanilang  Exceed Diesel, Extreme U at Extreme 95.

Ganito rin ang presyuhan sa Ptt gasoline station kung saan P65. 55 sa BlueDiesel, P74. 20 sa Blue Gasoline 93+ at P74. 70 sa Blue Gasoline 95+.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Sa Petron Centro P77 ang diesel maxx, P79. 65 sa Xtra advance at P80. 15 sa XCS plus.

Sa Phoenix petroleum P65. 55 sa diesel, P74. 20 sa super unleaded at P74. 70 naman sa premium.

Ito ang unang pagkakataon na nagpatupad ng rollback sa mga produktong petrolyo ngayong 2022 matapos ang 11 beses na magkakasunod na pagtaas.