Kapayapaan panalangin ng Muslim Community sa Naga sa pagsisimula ng Ramadan

NAGA CITY – Nagsimula na ngayong araw ang Ramadan o ang buwan ng pag-aayuno.

Sa lungsod ng Naga, hindi man nasilayan ang buwan dahil sa hindi gaanong kataasan ang lugar, ipinarating na man ng Moon-Sighting Committee sa lahat ng Muslim sa buong bansa ang pagpapakita nito, hudyat ng pagsisimula ng Ramadan o isa sa 5 Pillars of Islam.

Read More:  17-year-old girl dies in drowning in Cebu as father raises foul-play concerns

Ayon kay Mike Mustapha head ng  Muslim Affairs Office sa Lungsod, 4:45 ng umaga sila nagsimulang magdasal kanina na magpapatuloy nang isang buwan.

Read More:  Death toll rises to six in Zamboanga del Sur crash

Samantala, hangad naman ng mga Muslim ang kapayapaan at ang muling pagbabalik sigla ng ekonomiya, lalo pa’t malaki ang naging epekto ng pandemya sa mga negosyo sa buong bansa. Sa Naga kasama sa mga kilala sa pagnenegosyo ang mga nasa pananampalatayang Islam.  Maganda rin ang relasyon nila sa PNP.