Mga kolorum at tricycle na kung saan-saan lang namamasada, binalaan ng Roxas PNP

Nagbabala ang Roxas Police Station sa mga tricycle operator and driver’s association o TODA sa buong bayan ng Roxas, Palawan.

Ito ay dahil napag-alaman ng pulisya na mayroong mga asosasyon ng tricycle ang kung saan-saan lang di umano pumipila o pumaparada ng mga unit partikular sa Poblacion.

Read More:  NPA claims 3 civilian killings in Southern Negros in 9 days

Ayon sa Traffic Section ng Roxas PNP, tinalakay ang usaping ito kasama ang mga TODA member sa Roxas.

Sa oras umano na mahuli ang drayber o operator na gumagawa pa nito ay hindi umano magdadalawang isip ang pulisya na sila’y tiketan o pagmultahin.

Read More:  Baby boy found abandoned outside home in Cordova, Cebu

Hindi rin abswelto rito ang mga colorum o walang permit na mamasada kaya asahan pa raw ang mas mahigpit na panghuhuli sa kanila sa munisipyo ng Roxas dahil sa reklamo ng mga lehitimong namamasada.