Kampo ni Vhong Navarro, naghain ng apela sa CA re: Rape case

Naghain na ng motion for reconsideration sa Court of Appeals (CA) ang kampo ni Vhong Navarro hinggil sa kasong rape na isinampa ng Taguig City Prosecutor’s Office.

Ayon kay Atty. Alma Mallonga, counsel ni Vhong, na kinilala at inaksyunan na ng korte ang motion for reconsideration sa pamamagitan ng mga resolusyon kung saan pinapasagot si Deniece Cornejo sa MR, pati na rin sa impormasyon na pinakakasuhan na si Navarro.

Sinabi ni Mallonga na itinigil ni Taguig Regional Trial Court Executive Judge Antonio Olivete ang pag-raffle ng kaso o pag-assign ng judge na didinig nito dahil sa mosyon.

Matatandaang sinampahan ng kasong rape ng piskalya si Navarro kaugnay sa umano’y panghahalay ng TV host-actor sa model-stylist na si Cornejo na nangyari noong 2014.