Ibinahagi ng Heart Evangelista na may pinagdadaanan umano siyang ‘rough patch’ sa kanyang buhay.
Sa kanyang latest vlog, inamin ng aktres na nakakaranas siya ngayon ng ilang personal struggles, at nakakaramdam ng ilang pressure.
Pero sa huli, nananatili parin naman siyang sobrang grateful.
Sinabi pa nito, na napagtanto niya na ang buhay ay hindi lang tungkol sa materyal na bagay, sa halip ay tungkol sa pinakasimpleng bagay na magpapasaya sa isang tao.
