Kampo ni FPRRD, naghain na ng counter affidavit

Hindi humarap si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa preliminary investigation kaugnay sa reklamong grave threats laban sa kaniya na inihain ni ACT Teacher party-list Rep. Castro.

Pero nagsumite ang kanyang abugado ng counter affidavit na sinumpaan niya sa Davao City.

Base sa salaysay ni Duterte wala umanong basehan at sapat na ebedensya para madiin siya sa reklamo.

Hindi rin umano niya intensyon ang pagbantaan si Castro sa halip ay ikinu-kwento lang niya sa isang programa ang naging pag-uusap nila ni Vice President Sara Duterte kaugnay sa isyu ng Confidential Funds.

Pero giit ni Castro hindi pwedeng lusutan ng dating pangulo ang reklamo dahil malinaw na may pagbabanta sa mga binitiwan niyang salita.

Sa Enero inaasahang maglalabas ng resolusyon ang piskalya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *