Kampo ni dating senadora Leila de Lima – tiniyak na tuloy lang ang laban

‘Mahirap man ang naging daan – patuloy pa ring gumugulong ang sistema ng hustisya’

Ito ang naging reaksyon ng kampo ni dating senadora Leila de Lima matapos ang naging dismissal ng Korte sa kahuli-hulihan niyang drug case na naisampa sa nagdaang administrasyon.

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay Atty. Filibon Tacardon, counsel ng dating mambabatas, sinabi nitong umaasa pa rin sila sa ating hudikatura.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Aniya – sa loob ng pitong taong pagkakakulong ni de Lima, patuloy pa rin daw siyang naniniwala sa justice system sa bansa.

Sa ngayon, patuloy pa raw na isusulong ni de Lima ang mga pagkakaroon ng hustisya sa mga naging biktima ng ‘di umano’y mga extra-judicial killings.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Una na kasing sinabi ng dating senadora sa ambush interview kahapon na makikipagtulungan siya sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa war-on-drugs ng nagdaang administrasyon.

Sa ngayon, ‘di pa raw nila napag-uusapan kung mayroon bang plano si de Lima na muling tumakbo sa halalan.

Aniya, nag-focus pa raw sila sa mga magiging scenarios sa ruling ng Korte.