Amerika, wi-nelcome ang pagkaka-acquit sa natitirang kaso ni de Lima

Umapela ang Amerika na dapat ay maresolba na rin ang iba pang mga ‘di umano’y ‘politically motivated’ cases laban sa iba’t ibang personalidad sa bansa.

Kasunod ito ng naging acquittal ng Korte sa natitirang drug case ni dating senadora Leila de Lima.

Read More:  Sara Duterte vows never to resign as impeachment trial advances

Ayon kay US State Department spokesperson Matthew Miller, patuloy daw nilang hihimukin ang Gobyerno para maresolba na ang mga ganitong uri ng kaso, lalo na sa mga naisampa sa mga journalists, civil society, at iba pa.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Consistent ito sa pagsunod sa international human rights obligations at commitments ng Pilipinas.