PISTON, nagkilos-protesta kasunod ng panibagong bigtime na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo

Muling nagprotesta ang grupong PISTON sa harap ng isang gasolinahan sa bahagi ng Philcoa sa Quezon City kasunod ng panibagong bigtime na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Panawagan ng grupo, dapat nang ibasura ang Oil Deregulation Law na nagbibigay kalayaan sa oil companies na magtaas ng presyo ng langis na walang kontrol mula sa gobyerno.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Ayon kay ka-Mody Floranda, ang National President ng PISTON, magdudulot ng dagdag na gastos na higit P2,000 kada buwan ito sa mga tsuper.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Hindi dapat umano maging sunud-sunuran ang administrasyong Marcos sa dikta ng international market at mga ganid na kapitalistang may-ari ng oil companies.

Ngayong-araw nasa halos tatlong piso kada litro ang itinaas sa presyo ng diesel at gasolina.