Kampanya ng No Plate, No Travel Policy inilunsad ng LTO Region III

Inilunsad ng Land Transportation Office Region III ang komprehensibong kampanya tungkol sa “No Plate, No Travel” policy sa rehiyon.

Layon umano ng kampanyang ito ang pagkakaroon ng ligtas na byahe at matiyak ang tamang pagkakakilanlan ng mga sasakyan para masiguro ang seguridad sa mga pampublikong daan. Bahagi rin ito ng nais ng ahensya na magkaroon ng mas organisadong road network sa lahat ng mga motorista.

Kasama dito ang pagsasagawa ng mga road checkpoints, public information drives at on-the-ground enforcement activities.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: LTO Region III