Kamara inaprubahan na ang accompanying bill na nagpapatawag ng con-con

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara kahapon ang House Bill No. 7352 o panukalang Constitutional Convention Act, na siyang ‘accompanying bill’ ng Resolution of Both Houses No. 6 na nagpapatawag ng con-con para sa pag-amyenda ng 1987 Constitution.

Ang panukalang batas, na siyang implementing measure ng RBH No. 6, ay nakakuha ng 301 “Yes” votes at pitong “No” votes. Walang nag-abstain sa panahon ng botohan.

Read More:  PNP gives Sen. Bato one week to surrender over ICC arrest warrant

Nakapaloob sa panukala ang pagbibigay ng P10,000 kada araw ng attendance compensation sa mga delegado sa panahon ng con-con proceedings.

Read More:  Four Philippine Air Force pilots killed as two SF-260 aircraft crash

Nakasaad din sa con-con bill na ang con-con delegation ay bubuuin ng humigit-kumulang 316 members kung saan 80% sa kanila ay ihahalal mula sa mga Congressional districts habang 20% ​​ay hihirangin ng Pangulo.

Ang term of office ng con-con delegates ay tatakbo mula December 1 ngayong taon hanggang June 30, 2024.//CA