Panukalang rightsizing sa pamahalaan, lusot na sa Kamara

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang House Bill No. 7240 o ang panukalang National Government Rightsizing Act.

Layunin nito na magkaroon ng isang reform mechanism upang mapabuti ang institutional capacity ng pamahalaan sa pagpapaabot ng serbisyo sa publiko.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Ang HB 7240 ay inaprubahan sa botong 292 pabor at tatlong tutol.

Binibigyan ng kapangyarihan ng panukala ang Pangulo na magpatupad ng rightsizing sa Executive branch upang maalis umano ang doble-doble, at overlapping sa trabaho ng iba’t ibang ahensya.

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Ang rightsizing sa gobyerno ay isa mga priority bill ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.//CA