Senate panel hihilingin kay Marcos ang pagtatalaga ng oil spill response chief

Hihilingin ng Senate committee on environment, natural resources and climate change kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magtalaga ng isang opisyal na mamumuno sa pagtugon ng gobyerno sa oil spill sa Oriental Mindoro.

Ayon kay Senator Cynthia Villar, chairperson ng panel, susulatan nila ang Pangulo para sa kahilingang ito matapos na imungkahi ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda.

Read More:  DepEd prepares flexible learning rules for Super El Niño

Pinalutang ni Villar ang pangalan ni Department of National Defense Officer-in-Charge Carlito Galvez Jr. upang pamunuan ang mga operasyon sa Mindoro.

Read More:  PNP gives Sen. Bato one week to surrender over ICC arrest warrant

Sinabi pa ng senador na nais din ni Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor na makipag-ugnayan sa isang taong makakakontrol o magbibigay ng kumpas sa mga ahensiya ng gobyerno na tumutugon ngayon sa oil spill sa kanilang lugar.//CA